Isinagawa noong ika-3 ng Abril 2023 ang kauna-unahang State of the Municipality Address (SOMA) ni Mayor Rolly “Ur Da Man” Sacdalan upang mailahad sa mga Midsayapeño ang mga naisakatuparang programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng audio visual presentation, ipinakita ni Mayor Rolly ang serbisyong abot kamay ng mga Midsayapeño sa loob ng siyam na buwan nitong paglilingkod sa bayan.

Sa kanyang talumpati, inihayag din nito ang hangaring maging ganap na siyudad ang bayan ng Midsayap.

Samantala pinasalamatan ni Mayor Rolly “Ur Da Man” ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Midsayap sa pamumuno ni Vice Mayor Vivencio “Dok Toto” Deomampo Jr., sa suporta nito sa lahat ng programa ng kanyang administrasyon.

Sa pangwakas naman na mensahe ni Vice Mayor Dok Toto, binigyang diin nito na siya’y saludo at hangang-hanga sa dami nang nagawang programa ni Mayor Rolly sa loob ng maikling panahon.

Ginanap ang programa sa Municipal Gymnasium, Poblacion 6, Midsayap, Cotabato.