Ang Lokal na Pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolando “Ur Da Man” Sacdalan kasama ang Municipal Welfare and Development Office sa pamumuno ni John Karlo D. Ballentes ay namahagi ng limang laptops para sa mga Alternative Learning System (ALS) Coordinators sa iba’t ibang distrito sa bayan ng Midsayap.

Layunin ng programa na matulungan at mabawasan ang pasanin ng mga ALS coordinators at maibigay ang dekalidad na edukasyon sa mga Out of School Youth (OSY) at adults learners sa ilalim ng ALS. Laking tuwa at pasasalamat naman ng mga coordinator sa kanilang natanggap na tulong mula sa LGU.

Ang pamamahagi ng laptops ay mula sa pondo ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Vice Mayor Vivencio “Dok Toto” Deomampo Jr., Konsehal Ellavi Grace Doletin, Konsehal Morata Mantil, Konsehal Antonio Bayya, Konsehal Justine Clio M. Ostique, Dilangalen Assistant Principal Rebecca Megriño at mga Alternative Learning System Coordinators.

#PagbangonAtPagbabago#LGUMidsayap #MasayangMidsayap #MSWDO