Nilagdaan noong ika-10 ng Setyembre 2022 ni Mayor Rolly”Ur Da Man”Sacdalan ang Executive Order na naglilikha sa Bangsamoro Political, Peace, and Administrative Affairs o BAPPAA.

Layunin nito na mapalawak ang mga programang magsusulong ng kaunlaran sa usapin ng kapayapaan, imprastraktura, disaster risk reduction and management, social services, kalusugan, agrikultura, good governance at pangangalaga ng kultura ng mga Bangsamoro.

“I am committed in the achievement of lasting solutions for peace and development in our Bangsamoro communities” – Mayor Rolly “Ur Da Man”.

Dagdag pa nito na sa tulong ni BTA Member of the Parliament Mohammad Kelie Antao, kasama ang mga Muslim Leaders, mga Punong Barangay sa bayan na sakop sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Sangguniang Bayan ng Midsayap sa pamumuno ni Dok Toto Deomampo ay makakapagsimula tayo ng mga programa at serbisyo para sa kapayapaan at kaunlaran ng mga kapatid nating Bangsamoro.