Nakatanggap ngayong araw ika-8 ng Setyembre, 2022 ng cash assistance mula sa Lokal na Pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolly “Ur Da Man” Sacdalan ang mga hog raiser at producer na apektado ng African Swine Fever o ASF virus na nanalasa sa bayan.

Nasa isang daan limampu’t tatlong (153) benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong na ginanap sa Municipal Gymnasium, Poblacion 6 sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculturist, Local Disaster Risk Reduction and Management Office at Office of the Municipal Treasurer.

Ayon kay Mayor Rolly “Ur Da Man” , simula pa lamang ito at marami pang ayuda ang matatanggap ng ating mga hog raiser at producer.

Tinatayang 4, 837,500 pesos ang kabuuang halaga ng suportang pinansyal ng pamahalaan para sa mga benepisyaryo mula sa labing anim (16) na Barangay sa bayan.

Samantala, nag-alay naman ng kanta ng pasasalamat ang mga benepisyaryo mula sa Barangay San Isidro.