June 30, 2022| Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Turn-Over Ceremony ng Pamahalaang Lokal ng Midsayap kung saan ay pormal ng naiturn-over ni Outgoing Mayor Romeo D. Araรฑa kay Incoming Mayor Rolando C. Sacdalan ang kanyang mga tungkulin.

Kabilang sa mga naiturn-over ngayong araw ang mga dokumento ng pamahalaan mula sa iba’t ibang departamento nito. Ang mga dokumento ay magsisilbing basihan ng bagong administrasyon kung saan magsisimula ang pagtutok nito sa mga isyung kailangan ng agarang solusyon.

Narito ang huling mensahe ni outgoing Mayor Araรฑa – “Let me say adios to you. Along with the whole Local Government of Midsayap, I wish you the best of success in the coming years for our common unending quest for development, peace and security, with justice and equity for all Midsayapenyos and a better Midsayap”.

Samantala narito naman ang mensahe ni Incoming Mayor Sacdalan – “Itโ€™s time for us to sacrifice and to work hard, be healed, move forward and unite. Panahon ko na ibinigay ito ng Panginoon, ito na talaga ang tinadhana para sa akin. Pinagtagpo tayo at itinakda ng langit dito sa lupa para sa mga tao. May basbas ng Diyos! Samahan niyo po ako, Tulungan nyo po ako!”. Tututukan ni Mayor Sacdalan at ng kanyang kasama sa administrasyon ang kanilang unang 100 na araw sa pagresolba ng mga problemang idinudulog ng mga Midsayapeรฑos.

Dumalo sa seremonya ang iba’t ibang sangay ng gobyerno, empleyado ng LGU Midsayap at team UDM. #PagbangonAtPagbabago#LGUMidsayap#MidsayapInfos