Labis na pasasalamat ang mensahe ng 345 na magsasaka habang tinatanggap ang tulong mula sa Office of the Municipal Agriculturist ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap sa pamununo ni Mayor Rolly “Ur Da Man”Sacdalan , noong ika-apat ng Nobyembre, 2022 na ginanap sa Municipal Gymnasium, Poblacion 6, Midsayap, Cotabato.

Kabilang sa mga nakatanggap ay ang mga magsasakang nagmula sa mga barangay na matinding tinamaan ng baha tulad ng Barangay Bual Sur, Bual Norte, Nes, Palongoguen, Nalin, Upper Labas, Bagumba, Poblacion 8, Anonang, Lower Katingawan, San Isidro at Central Katingawan.

Ang Bagyong Paeng ay nagdulot ng matinding pag-ulan at pagbaha na nag resulta ng pagkasira ng mga taniman noong Oktubre 27, 2022.Kaugnay nito, kaagad na tumugon ang Lokal na Pamahalaan ng Midsayap at nagbigay ng kabuuang 459 na sako ng palay at 345 sako ng abono bilang agarang tulong sa mga biktima ng baha at ng sila ay makabangon mula sa nasabing kalamidad.