Personal na tinanggap ni Vice Mayor Dok Toto Deomampo ang parangal sa LGU Midsayap bilang ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐Ÿฎ ๐— ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—ข๐—จ๐—ง๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง in Land use planning and implementation.

Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga LGUs na nakagawa ng plano ukol sa climate and disaster risk assessment mainstreamed comprehensive land use plan/Integrated Zoning Ordinance at nakapag-implenta nito.

Samantala, pinarangalan naman bilang ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐Ÿญ ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—ก๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ-๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—š๐—ก๐—˜๐—— ๐—จ๐—ฅ๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—–๐—˜ ang bayan sa Urban Design and Development Expo 2022 kung saan ay ibinida ng bayan ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng Salunayan Creek.

Ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng Salunayan Creek ay isa sa prayoridad ni Mayor Rolly “Ur Da Man” Sacdalan upang maiwasan ang pagbaha na nagdudulot ng panganib sa buhay at pinsala sa ari-arian na hindi dapat isinasawalang-bahala.

Ginanap ang aktibidad na ito noong ika-28 ng Oktubre 2022 sa The Farm Carpenter Hill, Koronadal City, South Cotabato.

Pormal namang inindorso ni Vice Mayor Dok Toto ang dalawang parangal kay Mayor Rolly” Ur Da Man” sa araw mismo ng kanyang kaarawan ika-3 ng Nobyembre 2022.