June 29, 2022 | Pinangunahan ni Mayor Romeo D. Araรฑa ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa bayan na ginanap sa Municipal Plaza, Poblacion 3, Midsayap, Cotabato.

Ang bawat BPAT sa 57 barangays ay nakatanggap ng tig 1,000 pesos at ayon sa Municipal Treasurerโ€™s Office 2, 000 pesos ang kanilang matatanggap sa isang taon.

Sa mensahe ni Mayor Araรฑa, binigyang diin nito na nawa’y sa susunod na administrasyon ay magpatuloy ang tulong pinansyal para sa mga BPAT at kung maaari ay madagdagan pa ito.

Nagbigay naman ng mensahe ng pagsuporta sa programa sina MLGOO DILG Jesus Remus Laguting, Municipal Vice Mayor/Board Member Elect Manuel M. Rabara at Municipal Councilor Maria Belen B. Sabio.

Samantala nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat sa programa ng pamahalaan si BPAT Federation President Efren Villar.