August 17, 2021 | Ipinamahagi ng DSWD Field Office XII sa pamumuno ni Regional Director Restituto Macuto ang Livelihood Assistance Grant (LAG) sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan ng Midsayap katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni MSWD Officer John Karlo Ballentes.

Higit dalawang daang kwalipikadong
benepisyaryo sa bayan ang nakatanggap ng halagang ₱10, 000.00 – ₱15, 000.00 na umabot ng ₱ 2,670,000.00 ang sumatotal na ibinahagi sa ating mga benepisyaryo. Ito ay ginanap sa Municipal Plaza, Poblacion 3, Midsayap, Cotabato.

Ang cash assistance na ito ay isa sa mga programa na binuo ng pamahalaan na naglalayong matulungan ang mga pamilyang nabawasan o nawalan ng kabuhayan sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19.

“Pinaagi sa atung livelihood assistance mulambo kita! Dili kay para sa akoa, dili para sa DSWD, kundi mulambo para sa inyong kaugalingon, pamilya og sa komunidad” – DSWD XII Regional Director Macuto.

Laking tuwa naman ni Gng. Lea Butad na siya’y isa sa benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant. Si Gng. Butad ay residente ng Poblacion 7, Midsayap , nagtitinda ng kakanin, miyembro ng Persons with Disabilities (PWDs) o Persons with Dreams at biktima ng bombing incident taong 2016. Ayon sa kanyang testemonya, napakalaking tulong ito sa kanyang pamilya sapagkat siya at ang kanyang asawa ay kapwa PWD.

Samantala, nagpahayag naman ng pagsuporta at pasasalamat sina Municipal Vice Mayor Manuel M. Rabara, Municipal Councilor Edgar Ostique Jr. at Municipal Councilor Chelin Monica Araña sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe sa isinagawang programa.

Taos-pusong pasasalamat naman ang gustong ipaabot ng Lokal na pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno ni Municipal Mayor Romeo D. Araña kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa DSWD Field Office XII sa mga programang ipinagkaloob nito sa bayan na siyang nagbibigay pag-asa sa bawat mamamayang patuloy na nakikipaglaban sa krisis na dulot ng pandemya.

Patuloy sa Pagbangon sa Hamon ng Pandemya!

LGU MIDSAYAP

Source:

#MidsayapInfos