November 25, 2021 | Matagumpay ang isinagawang payak ngunit makabuluhang selebrasyon ng ika-85 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Midsayap na ginanap sa Municipal Plaza, Midsayap, Cotabato.

Ang pagdiriwang ay nagsimula sa mataimtin na Inter Faith Mass o Misa ng pasasalamat na pinangunahan ni Rev. Fr. Dennis Alviar, OMI.

“Today, as we mark this momentous event in our history, I am proud to announce that we have won the war. We kept the local economy alive. We struck a balance between safety and progress. And while there are wounds that cause us pain, we survived, kept standing, and went out alive.
And if there is anyone today who is in doubt of what we can do as one Municipality, I tell you, we may fall, we recalculate, we plan, we execute and still we choose to remain great” – Mensahe ni Municipal Mayor Araรฑa

Ipinaabot naman ni Provincial Administrator Efren Piรฑol na kinatawan ni Provincial Governor Nancy A. Catamco ang mensahe ng suporta at pakikiisa ng Gobernadora.

Binigyang pugay naman ni Vice Mayor Manuel M. Rabara ang mga former leaders ng Midsayap na naging bahagi ng pag – unlad ng bayan, gayundin sa mga Midsayapeรฑos na patuloy ang tiwala at suporta sa administrasyon ni Mayor Araรฑa.

Sa gitna ng pagdiriwang ay pinarangalan naman ang mga nagwagi sa Sayap Sinugba Theme Song Writing at Virtual Street Hip-hop Dance Video Competition.

Dumalo sa programa sina Hon. Chelin Monica J. Araรฑa, Hon. James C. Llban Jr.,Hon. Vivencio V. Deomampo Jr., Hon. Maria Belen B. Sabio at Hon. Justine Clio M. Ostique. Buong suporta rin ang ipinakita ng mga kawani mula sa LGU Midsayap at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Labis naman ang papasalamat ni Mayor Romeo D. Araรฑa sa Midsayap Tourism Office sa pangunguna ni Municipal Tourism Operations Officer Fersan-Jocel Sawit at sa lahat ng nakiisa para sa matagumpay na selebrasyon.

๐™Š๐™ฃ๐™š ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฅ, ๐™Š๐™ฃ๐™š ๐™ƒ๐™ค๐™ข๐™š, ๐™Š๐™ฃ๐™š ๐™‹๐™š๐™ค๐™ฅ๐™ก๐™š

LGU MIDSAYAP

MidsayapInfo