August 31, 2021 | Pormal nang naiturn-over ng Office of Civil Defense (OCD) Region XII sa pangunguna ni Chief Administrative Officer Roy L. Dorado, ang karagdagang isolation facility sa bayan ng Midsayap.
Ang naturang pasilidad ay mayroong dalawampung (20) bed capacity na matatagpuan sa Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato. Sa kasalukuyan, mayroon ng pitumpung (70) bed capacity ang bayan para sa mga suspect, probable at confirmed COVID-19 patients.
“We have a total of 18 isolation facilities in Region XII initiated by the OCD, DPWH and DOH under the Bayanihan Act 2 and Midsayap is one of the fortunate recipient”, ayon kay OCD Region XII Chief Administrative Officer Roy Dorado.
Sa opening remarks ni Konsehal James Llaban Jr., binigyang diin nito na ang pagsasakatuparan ng proyektong ito ay naging posible dahil sa kooperasyon at pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa ni EOC Incident Commander Vivencio V. Deomampo Jr, na ang suporta ng OCD ay malaking tulong sa nakakabahalang pagtaas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bayan.
Kabilang naman sa mga dumalo sa programa ay sina OCD Region XII PIO, Jorie Mae Balmediano, at mga kasapi ng Midsayap Task Force Covid-19 at Emergency Operation Center.
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng Lokal na pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno nina Mayor Romeo D. Araña at Vice Mayor Rabara sa sampung (10) milyong pondo ng OCD na inilaan para sa nasabing pasilidad.


LGUMidsayap