August 17, 2021| Nakatanggap ng tig-₱2,500.00 ngayong araw ang higit apat na raang Midsayapeños na nagpositibo at gumaling sa sakit na COVID-19. Ang distribusyon ay ginanap sa SCC Fellowship Center, Poblacion 5, Midsayap, Cotabato.

“Lahat kayo ay may iisang kwento, at yun ay ang kwento ng inyong katatagan at kwento ng pagiging survivor sa COVID-19. Ang pinakamalaking biyaya na inyong natanggap ay ang karagdagang buhay na ibinigay ng ating Maykapal” mensahe ni MSWD Officer Ballentes sa mga benepisyaryo.

Ayon kay DSWD XII Regional Director Restituto Macuto na maliban sa financial assistance, sila’y inaasahang makakatanggap din ng family food packs.

Patuloy naman ang kampanya ni Governor Nancy Catamco sa pagpapabakuna at binigyang diin nito na ang isa sa proteksyon natin laban sa pandemya ay DISIPLINA.

Nag-iwan naman ng katagang “Let’s work hand in hand para sa kapakan ng District 1”. si First District Representative Congressman Joel Sacdalan.

Ibinahagi naman nina Ramelo Catubig Sr. at Lester Singco ang kanilang nagpagdaanan noong sila’y nagpositibo sa COVID-19 at sila’y malugod na nagpapasalamat sa agarang nagbigay ng tulong sa kanila.

Midsayapeños, asahan n’yong ang ating Lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Romeo D. Araña kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Manuel M. Rabara, ay lagi n’yong kaagapay sa anumang hamon ng buhay.

Source: Midsayap Info