August 04, 2021 | Inilunsad ngayong araw sa bayan ng Midsayap ang Business TaxMapping System ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Municipal Treasurer Mary Rosalyn Panolino, ang Business TaxMapping System ay makakatulong upang malaman ang mga luma at bagong business establishments at linya ng kanilang negosyo na nakarehistro sa Business Permit and Licensing System. Dagdag pa niya na sa system na ito ay madaling masusubaybayan ang mga hindi pa nagbabayad ng kanilang buwis.

Binigyang diin ni Konsehal Maria Belen B. Sabio, Committee Chairman on Finance and Ways and Means, na “Ang system na ito ay add-on initiative ng Local Government Unit of Midsayap for the ease of doing business during this time of pandemic”.

Hangad naman ng opisina ni Licensing Officer III Charcel Batapa, ang contactless at cashless transactions bilang tugon sa Anti-Red Tape Act at Republic Act 11032.

Agad namang itinurn-over ng TJ-101 Computer Sales Services Team ang isang unit na server at dalawang mobile tablets na gagamitin ng mga business tax mappers sa pagkuha ng mga datos.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng Municipal Treasurer’s Office, Business Permit and Licensing Division at Internal Audit Services sa suportang ibinigay nina Mayor Romeo D. Araña, Vice Mayor Manuel M. Rabara at Sangguniang Bayan Members ng Midsayap upang mainlunsad ang business taxmapping system.

Source : MidsayapInfo